Home NATIONWIDE Romualdez ginagamit na ‘scapegoat’ sa flood control anomaly – spox

Romualdez ginagamit na ‘scapegoat’ sa flood control anomaly – spox

1
0

MANILA, Philippines – Itinangging muli ng kampo ni Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez na may kinalaman ang dating House Speaker sa umano’y maanomalyang flood control projects, kasabay ng pagsasabing ginagamit lamang siya bilang “convenient excuse and political scapegoat” sa kontrobersiya.

Ayon sa abogadong si Elaine Atienza, tagapagsalita ni Romualdez, nitong Huwebes, Hulyo 2, wala pa ring ebidensiyang nag-uugnay sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) president sa umano’y ghost flood control projects.

“At the end of the day, justice demands only one standard,” ani Atienza.

Sinabi ni Atienza na sa kabila ng mga pagdinig sa Senado at Kamara, gayundin ng iba pang opisyal na imbestigasyon, wala umanong dating o kasalukuyang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tumukoy kay Romualdez bilang sangkot sa pagpaplano, procurement, implementasyon, inspeksyon, pagbabayad, o pagpapalabas ng pondo para sa anumang umano’y ghost project.

Dagdag pa niya, maging si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, na may direktang kaalaman sa operasyon ng ahensiya, ay hindi rin idinadawit ang mambabatas mula Leyte.

“Simple lang kung bakit — because Rep. Romualdez was not involved,” giit pa ni Atienza.

Giit ni Atienza, hindi rin tumutugma ang mga alegasyon sa aktuwal na proseso ng paggawa at pagpapatupad ng pambansang budget.

“The issue traces back to the national budget process. Sa prosesong iyan — no single person—not even the Speaker of the House—can control,” dagdag pa ng abogado.

Ipinaliwanag niya na ang National Expenditure Program (NEP), na pinagmumulan ng General Appropriations Bill (GAB) o panukalang pambansang budget, ay inihahanda ng Executive branch sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) at ng implementing agencies, kabilang ang DPWH, bago ito isumite sa Kongreso para sa deliberasyon ng House of Representatives at Senado.

“No Speaker can dictate upon Cabinet secretaries. Neither can he dictate upon senators, who exercise their own independent constitutional mandate. Sila po ay pantay-pantay diyan being elected officials. Primus inter pares,” ayon pa sa kanya.

Binigyang-diin ni Atienza na kapag naisabatas na ang budget, “absolutely no authority” umano ang Speaker sa bidding ng proyekto, paggawad ng kontrata, implementasyon, inspeksyon, pagbabayad, o pagpapalabas ng pondo ng pamahalaan.

“Hindi niya po saklaw ang pagpapa-release ng budget (He has no say on the release of the budget). Those are functions vested by law in the executive branch,” ani Atienza.

“Hindi kayang utusan ng Speaker ang DPWH Secretary. Hindi niya kayang diktahan ang DBM o ang Senado. At lalong hindi siya ang nagpa-plano ng proyekto, nagpapa-bid, nag-a-award ng kontrata, nag-iinspeksyon, o naglalabas ng pondo,” giit pa ng abogado.

Ayon kay Atienza, ang pagpipilit na si Romualdez ang umano’y “mastermind” ay tila pagpapalabas na isang tao lamang ang kumokontrol sa buong proseso ng budget at imprastraktura.

“Ang gustong palabasin ng iba, parang iisang tao ang may hawak ng buong gobyerno. Hindi po ganoon ang ating Konstitusyon.”

Iginiit niya na ang pananagutan ay dapat nakabatay sa ebidensiya at dapat ituon sa mga taong may legal at operational authority sa mga proyekto.

“If there were irregularities in any infrastructure project, then those who actually exercised legal and operational authority should be identified and held accountable. Accountability must follow the evidence—not political convenience,” ani Atienza.

“Kung may nagkasala, papanagutin natin. Pero huwag nating gawing shortcut ang paghahanap ng isang malaking pangalan para lang may maipakita sa publiko.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here