Home OPINION ROMUALDEZ, HANGGANG BANTA LANG?

ROMUALDEZ, HANGGANG BANTA LANG?

1
0

“HINDI ako aalis nang tahimik at hindi ako aalis nang mag-isa.”

Ang pahayag na ito ang isang ginawa ni ex-Speaker Martin Romualdez noong Abril 21, 2026.

“Hindi ako papayag na gawin akong fall guy o scapegoat (tagasalo) ng ibang mga sangkot sa korapsyon,” aniya pa.

Ginawa nito ang mga pahayag makaraang imbestigahan siya ni Ombudsman Boying Remulla sa kaugnayan nito sa multi-bilyong flood control iskam at harangin din ang kanyang pagpapagamot sa ibang bansa.

Makaraan ang Abril 21, pinaaresto siya ng Sandiganbayan Third Division noong Setyembre 7 na sinundan ng pagbasa ng sakdal na plunder sa kanya noong Setyembre 16, at pagsuspinde sa kanya ng tatlong buwan simula nitong Nobyembre 10.

Sinuspinde siya sa pagkakasangkot umano niya sa mahigit P7 bilyong iskam sa flood control at iba pang mga proyektong gobyerno.

Sa ngayon, hinihiling niyang palayain siya nang pansamantala sa bisa ng piyansa.

Kung pag-aaralan ang kalagayan ng kaso ni Romualdez, tila malayo pang mangyari ang pagbabanta niyang hindi siya papayag na babagsak siyang mag-isa at kung mangyari ito, isasama niya ang iba lalo’t marami siyang nalalaman sa mga iskam at mga sangkot.

Itinuro niya ang ehekutibo na pangunahing maysala at kapwa niya mga mambabatas dahil itinuring niya ang kanyang sarili na isa lamang siya sa mga ito.

Paliwanag niya, wala siyang kapangyarihan gawin ang anomang kabalbalan nang mag-isa ang mga ibinibintang sa kanya.

Ngayon nga ay naglalakad ang mga araw na siya’y binabantayan ng mga mamamayan kung ano-ano ang mga susunod niyang gawin.

Higit pa, binabantayan ng mga mamamayan kung ano-ano ang mga gagawin ng Office of the Ombudsman, lalo na ang Sandiganbayan, sa kaso niya.

Posible bang matulad siya kay dating Senador Bong Revilla na pinalaya pansamantala dahil sa hindi malakas na ebidensya sa kasong malversation of public funds ngunit nagpapatuloy ang pagdinig ng hukuman sa kaso nito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here