Home OPINION STAGFLATION KINATATAKUTANG NAGAGANAP SA PINAS

STAGFLATION KINATATAKUTANG NAGAGANAP SA PINAS

2
0

NAGPAHAYAG ang ilang ekonomista ng takot o pangamba sa tila pagdating na ng bansa sa kalagayang stagflation.

Sa stagflation, mabagal ang paglago ng ekonomiya batay sa Gross Domectic Product o GDP na kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang taon.

Kakambal nito ang sobrang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at kawalan o mahinang empleyo kasabay ng paghina ng kakayahang bumili ng mga mamamayan.

TULOY-TULOY NA PAGBAGAL

Batay sa 28 trilyong GDP nitong 2025, pabagal nang pabagal o paliit nang paliit ang paglago nito mula sa 5.4% noong Enero 2025 sa nasa 2.1% lamang nitong Setyembre.

Noong 2025, nagbunga ang P28T GDP ng P1.5T ngunit bumagsak ito sa mahigit P620 bilyon na lamang nitong Setyembre 2026.

Sa inflation o pagmahal ng lahat ng bilihin, ang dating P100 noong 2018 P73 na lamang ang halaga o sa ibang pananaw, ang P100 na halaga ng bilihin ngayon ay may presyo nang P137 o mahigit katlo.

Nangangahulugan ito ng dagdag na P370 sa kalahating kaban o 25 kilong bigas na dating nagkakahalaga lang ng P1,000.

Iniulat din ng mga ekonomista na noong Abril 2025 na may 50 milyong obrero, mayroong walang trabaho na 2.06 milyon ngunit pagdating ng Disyembre, naging 2.26M na sila at ngayong Setyembre 2026, lalong dumami sila sa 2.86M.

Sa underemployment o kailangang magkaroon ng dalawa o higit na pagkakitaan para mabuhay, ang bilang nila noong 2025 ay 3.93M ngunit ngayong Setyembre, 5.56M na sila.

Kaya naman, naririyan na rin ang paghina ng kakayahan ng mga mamamayan na bumili ng kanilang pangangailangan na nagbubunga ng paghina ng ekonomiya ng bansa.

Lalong pinasama ang purchasing power ng mga manggagawa, kasama na ang mga negosyante, sa pagbagsak din ng halaga ng piso laban sa dolyar.

Inilabas ang mga datos na ito nang bahagya mismo ng Philippine Statistics Authority at katulad nina dating Bangko Sentral ng Pilipinas Diwa Gunigundo at iba pa.

KULELAT SA “YAYAMANING BANSA”

Noong 2016, pangatlo ang Pilipinas sa may malagong GDP mula Indonesia na nanguna na sinundan ng Thailand at sumunod sa pang-4 ang Singapore at pang-5 ang Malaysia.

Noong 2022, bumagsak ang Pilipinas sa pang-6 sa GDP na pinangunahan ng Indonesia, Singapore, Thailand, Vietnam at Malaysia.

Ngayon 2026, nanatiling pang-6 sa nangungunang Indonesia, Singapore, Thailand, Malaysia at Vietnam.

Sa porsyentong paglago ng ekonomiya ng top 9 ilang teritoryo at bansa sa Asya nitong Setyembre 2026, pinakamahina ang Pilipinas sa pagkakaroon lang ng 2.1% samantalang ang Taiwan, may 14.36%; Vietnam – 9.95%; Indonesia – 5.47%; Singapore – 5.4%; Malaysia – 5.3%; Hong Kong – 5.2%; China – 5.4%; South Korea – 3.4%; at sumunod na rito ang Pilipinas.

SAAN KAYANG BANGIN TAYO BABAGSAK?

Kung magpapatuloy ang pagbagal o pagbagsak ng ekonomiya, kasama ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan, saan kayang bangin tayo babagsak?

Sa ibang mga bansa ngayon, lalo na sa ilang bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain at iba pa, nagkakagulo sila at nais nilang pabagsakin ang kanilang mga namumuno dahil sa hirap sa korapsyon at pamumuhay at damay na rin ang mga kabataang estudyante.

Kakambal ang mga gulo ng mga panununog, paninira ng mga ari-arian at sakitan sa pagitan ng mga mamamayan at pulis.

Paano kung mangyari naman ito sa Pinas?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here