Home HOME BANNER STORY Romualdez, humiling ng piyansa sa plunder case

Romualdez, humiling ng piyansa sa plunder case

1
0

MANILA, Philippines – Humiling si dating House Speaker at incumbent Leyte Rep. Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division na payagan siyang makalaya pansamantala sa pamamagitan ng piyansa.

Nahaharap si Romualdez, kasama sina dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at dalawang iba pa, sa plunder case kaugnay ng umano’y P7.44 bilyong kickback. Itinuturing na non-bailable offense ang plunder.

Nag-plead ng not guilty si Romualdez, ngunit maaari pa ring pagbigyan ng piyansa sa pamamagitan ng summary bail hearing kung saan kailangang patunayan ng prosekusyon na malakas ang ebidensya laban sa akusado.

Ayon kay Third Division clerk of court Dennis Pulma, inihain ni Romualdez ang kanyang petition alas-12:05 ng tanghali nitong Lunes.

Magsisimula ang bail hearing sa Oktubre 12 at magpapatuloy tuwing Lunes, Martes at Huwebes. Ayon sa prosekusyon, 23 saksi ang kanilang ihaharap sa pagdinig.

Noong Setyembre 7, naglabas ang korte ng arrest warrant laban kina Romualdez, Co at dalawang iba pa kaugnay ng umano’y P7.44 bilyong kickback mula sa mga contractor, indibidwal at kumpanyang may interes sa flood control, infrastructure at iba pang government projects na pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Acts mula 2022 hanggang 2025.

Naospital si Romualdez nang halos isang linggo bago siya ikulong sa New Quezon City Jail-Male Dormitory noong Setyembre 14. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here