Home NATIONWIDE Circular sa muling pagsuspinde ng excise tax sa LPG, kerosene ipinatupad ng...

Circular sa muling pagsuspinde ng excise tax sa LPG, kerosene ipinatupad ng BIR

1
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng circular para muling suspindihin ang excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene, wala pang tatlong buwan matapos itong ibalik, kasunod ng muling pagtaas ng presyo ng crude oil sa itinakdang threshold.

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular 100-2026, sususpindihin ang excise tax sa LPG at kerosene nang hanggang tatlong buwan, o isang linggo matapos bumaba sa $80 kada barrel ang one-month average ng Dubai crude oil, batay sa sertipikasyon ng Department of Energy (DOE), alinman ang mauna.

Sakop nito ang excise tax sa LPG, maliban kung gagamitin bilang raw material sa paggawa ng petrochemical products para sa motive power, at kerosene, maliban kung gagamitin bilang aviation fuel.

Sinunod ng BIR circular ang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Biyernes na pansamantalang suspindihin ang koleksyon ng nasabing buwis.

Itinakda ng TRAIN Law ang excise tax sa LPG sa P3 kada kilo at P5 kada litro naman sa kerosene.

Noong Marso, nilagdaan ni Marcos ang Republic Act 12316 na nagbibigay sa kanya ng emergency powers para suspindihin o bawasan ang fuel excise tax kapag ang average Dubai crude oil price ay umabot o lumampas sa $80 kada barrel sa loob ng isang buwan.

Nauna nang sinuspinde ang excise tax sa LPG at kerosene noong Abril ngunit ibinalik noong Hulyo matapos bumaba sa threshold ang average oil prices. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here