Home HOME BANNER STORY Romualdez naghain ng ‘not guilty plea’ sa P7.44-B plunder case

Romualdez naghain ng ‘not guilty plea’ sa P7.44-B plunder case

4
0

MANILA, Philippines — Nagpasok ng not guilty plea si dating House Speaker Martin Romualdez sa kanyang arraignment nitong Miyerkules, Setyembre 16, kaugnay ng P7.44-bilyong plunder case laban sa kanya.

Isinagawa ang arraignment sa Sandiganbayan Third Division, kung saan pinayagan si Romualdez na lumahok sa pamamagitan ng videoconference mula sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.

Nahaharap ang dating Speaker sa kasong plunder kaugnay ng umano’y bilyun-bilyong pisong kickbacks mula sa mga pondong inilaan para sa infrastructure projects. Itinatanggi ni Romualdez ang mga alegasyon laban sa kanya.

Naaresto si Romualdez noong Setyembre 7 at kalauna’y inilipat sa Quezon City Jail matapos sabihin ng mga doktor ng Philippine General Hospital na stable ang kanyang kondisyon at hindi na kailangan ang patuloy na hospital confinement. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here