Home METRO Rookie cop inireklamo sa paglason sa panabong na manok

Rookie cop inireklamo sa paglason sa panabong na manok

ILOILO CITY- Nasa “hot water” ngayon ang isang rookie cop matapos makita sa closed circuit television (CCTV) ang ginawa umano nitong paglason sa panabong na manok sa loob ng sabungan sa bayan ng Leganes.

Ayon Police Col. Kim Legada, direktor ng Iloilo City Police Office, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa isang patrolman na naka-duty sa Police Station 7, Iloilo City tungkol sa pagkakasangkot nila sa illegal gambling at paglason sa manok na panabong.

Inulit ng ICPO ang zero-tolerance policy nito laban sa anumang uri ng ilegal na pagsusugal at maling pag-uugali sa mga tauhan ng pulisya.

“I have given direct instructions to our unit commanders to strictly monitor their personnel. Any involvement in illegal gambling or similar activities will not be tolerated,” ani Legada.

“Law enforcers must be role models of integrity. Any officer found violating this directive will face administrative and criminal consequences,” dagdag pa nito.

Posible umanong maharap sa kasong administratibo ang suspek.

Samantala, hindi na nagsampa ng kaso ang may-ari ng manok laban sa pulis. Mary Anne Sapico