Home METRO Paaralan nilamon ng apoy sa Albay

Paaralan nilamon ng apoy sa Albay

ALBAY- Tinupok ng apoy ang Gabaldon-type building na paaralan ng Camalig North Elementary School, noong Martes sa nasabing bayan.

Batay sa report ng Camalig Bureau of Fire Protection, bandang alas-12 ng hatinggabi ng Abril 1, 2025 sumiklab ang sunog sa gusali ng Gabaldon na may walong silid-aralan, silid-aklatan, opisina ng superbisor ng distrito, at isang function hall.

Tumagal na dalawang oras ang sunog at dahil gawa sa light materials ang paaralan tuluyan itong tinupok.

Naapula ang sunog dakong alas-2:30 ng madaling araw at pagsapit alas-5 ng madaling araw ay nagsagawa ng clearing operation ang mga awtoridad.

Tinatayang aabot sa P11,447,520 kagamitan ang tinupok ng apoy habang wala naman naiulat na nasugatan o nasawi sa nasabing sunog.

Samantala, sa Facebook post ni Mayor Carlos Irwin “Caloy” Baldo Jr., ikinalungkot nito ang pagkasunog ng Gabaldon building ng CNES.

“This structure is a symbol of our history and heritage bestowed by our ancestors. It has been a cherished part of our community, and its loss is felt by all of us,” ani Baldo.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Camalig na muling maitayo ang naturang paaralan. Mary Anne Sapico