Home METRO Bagong Pagadian bishop itinalaga ni Pope Francis

Bagong Pagadian bishop itinalaga ni Pope Francis

MANILA, Philippines- Pinangalanan ni Pope Francis si Fr. Ronald Anthony Parco Timoner bilang bagong obispo ng Diocese of Pagadian sa Zamboanga del Sur.

Si Timoner ay hahalili kay Bishop Ronald Lunas na pumanaw noong Enero 2, 2024.

Ipinanganak siya sa Daet noong Agosto 13,1971 at nag-aral ng pilosopiya sa Holy Rosary Minor Seminary ng naga City at theology sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang 58 taong gulang na Bishop Elect ay nakakuha ng licentiate sa theology mula sa Pontifical University of Saint Thomas Aquinas-Angelicum.

Noong May 1997, naordinahang pari si Timoner para sa Diocese of Daet.

Sa parehong taon, si Timoner ay hinirang na parish vicar ng Our Lady of Candelaria sa Paracale, Camarines Norte. Sa sumunod na taon, siya ay naging parish vicar ni Saint Francis of Assisi sa Talisay.

Siya rin ang spiritual director ng Holy Trinity College Seminary at prefect of discipline at procurator ng Holy Trinity College Seminary sa Labo, Camarines Norte.

Kalaunan ay hinirang siyang chaplain ng Church of Saint Thomas sa Milan, Italy mula 2004 hanggang 2008 bago naging chancellor ng Diocese of Daet hanggang 2016.

Si Timoner ay itinalaga bilang kura paroko ng San Juan Bautista sa Daet, Camarines Norte mula noong 2014 at siya rin ang diocesan administrator mula noong 2014. Jocelyn Tabangcura-Domenden