MANILA,Philippines – Umiskor si Dalton Knecht ng 20 puntos upang pamunuan ang pitong manlalaro ng Los Angeles sa double figures habang ang bisitang Lakers ay gumulong sa 119-101 panalo laban sa San Antonio Spurs kahapon.
Nagposte si Anthony Davis ng 19 points, 14 rebounds at pitong assists para sa Lakers, habang si LeBron James ay nagtala ng 16 points, 11 assists at 10 rebounds para sa kanyang ikaanim na triple-double ng season.
Umambag si D’Angelo Russell ng Los Angeles ng 17 puntos, umiskor si Rui Hachimura ng 16, tumipa si Austin Reaves ng 13 at nagtala si Max Christie ng 12.
Pinangunahan ni Victor Wembanyama ang Spurs na may 20 puntos at 10 rebounds. Umiskor si Harrison Barnes ng 19 puntos, tumama si Julian Champagnie para sa 18, nagdagdag si Devin Vassell ng 14 at nag-ambag si Stephon Castle ng 10 puntos para sa San Antonio, na nagtapos ang season-best na apat na sunod na panalo.
Bumalik si Vassell mula sa limang larong pagliban sanhi ng pinsala sa tuhod.
Nanguna ang Lakers ng 11 puntos sa halftime at 15 pagkatapos ng tatlong quarters.
Ang 3-pointer ni Knecht mula sa isang assist ni James sa 3:35 na laro ay nagpapataas ng kalamangan ng Lakers sa 115-96, at nagwaltz ang Los Angeles sa finish line.
Pinutol ng Lakers ang tatlong sunod na pagkatalo at tinalo ang Spurs sa ikalawang pagkakataon sa dalawang pagkikita ngayong season.JC