MANILA, Philippines – — Nagbabala ang dalawang mambabatas mula sa quad-committee ng Kamara na posibleng maharap si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa mas mahigpit na parusa kung makagagawa ulit ng panibagong “contemptible act” sa hinaharap katulad ng pagsisinungaling sa kapulungan.
Ang babala ay kasunod ng unanimous decision ng komite na i-cite for contempt si Roque at patawan ng 24-hour detention sa pagsisinungaling tungkol sa dahilan ng kanyang pagliban sa August 16 hearing ng joint panel sa Porac, Pampanga.
“Yes, ‘yan ang patutunguhan kapag may bagong contemptible act si Harry Roque, and we will have to ask members of the quad comm, including the co-chairs, kung ano ang desisyon diyan. We will decide when that happens,” ani Surigao del Norte 2nd District Rep. Ace Barbers sa isang virtual presser nitong Biyernes, Agosto 23.
Aminado si Barbers na hindi niya pinaniwalaan si Roque sa dahilan ng hindi nito pagdalo sa pagdinig na isa umanong “honest mistake.”
“Base sa appreciation namin sa kanyang paliwanag at sulat, kami ay hindi naniniwala sa kanyang sinabi na honest mistake ‘yun, kaya nga nagkaroon kami sa punto na pag botohan. Unanimously, ang desisyon ay hindi naniniwala,” paliwanag ni Barbers.
“Binigyan natin siya ng pagkakataon. Sabi ko nga sa kanya, we had a lot of friends sa Kongreso. We are just a phone away. Ano ba naman iyong one of us, kasamahan namin siya sa Kongreso, ano ba naman ‘yung tinawagan kami at sinabi niya ang kanyang excuse, and we will accept,” sinabi naman ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, isa pa sa lider ng quad-committee.
“Binigyan natin siya ng pagkakataon. Sabi ko nga sa kanya, we had a lot of friends sa Kongreso. We are just a phone away. Ano ba naman iyong one of us, kasamahan namin siya sa Kongreso, ano ba naman ‘yung tinawagan kami at sinabi niya ang kanyang excuse, and we will accept,” aniya.
“May this be a warning to all resource persons we invite—don’t make false excuses because we mean business, because national security is at stake. We hope that everybody we will invite as resource persons will be cooperating,” giit pa ni Fernandez.
Si Roque ay iniimbestigahan ngayon dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan sa Philippine Offshore Gaming Operators. RNT/JGC