Home NATIONWIDE Roque, ‘Maharlika’ kinasuhan ng NBI ng inciting to sedition sa ‘polvoron’ video

Roque, ‘Maharlika’ kinasuhan ng NBI ng inciting to sedition sa ‘polvoron’ video

Nagsampa ng kasong inciting to sedition ang National Bureau of Investigation laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque at vlogger na si Claire “Maharlika” Contreras kaugnay ng “polvoron” video.

Ayon sa forensic analysis ng NBI, hindi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa video.

Nahaharap din si Maharlika sa ibang kaso gaya ng cyber libel at computer-related forgery.

Ayon naman kay Roque, welcome sa kanya ang reklamo at pagkakataon ito para pabulaanan ni Marcos sa korte ang isyu ng paggamit ng droga.

Isinampa rin ng NBI ang hiwalay na kaso laban kay Mary Joy dela Cerna Lacierda dahil sa TikTok video na umano’y nakapanlinlang at nag-udyok ng pampublikong kaguluhan. RNT