Home METRO Rosmar umatras sa kandidatura sa pagka-konsehal ng Maynila

Rosmar umatras sa kandidatura sa pagka-konsehal ng Maynila

MANILA, Philippines- Binawi na rin ng internet peronality at negosyante na si Rosemarie Tan o kilala sa social media bilang si Rosmar Tan ang kanyang kandidatura para sa local elections sa Mayo 12, 2025.

Ito ay matapos na pormal na mag-withdraw si Tan nitong Huwebes sa mismong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).

Gayunman, hindi tinanggap  ng main office  ang kanyang statement of withdrawal dahil ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, dapat isumite ni Tan ang kanyang statement of withdrawal  kung saan siya naghain ng kanyang certificate of candidacy .

Si Tan ay tumatakbo bilang konsehal  sa unang distrito ng lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Tan na wala talaga sa puso niya ang pamumulitika at gusto niya na lamang magbigay ng tulong sa mga kababayan na kaya niya naman umanong gawin kahit wala sa pwesto.

Bukod dito, tatlong buwan na rin siyang buntis sa ikatlo niyang anak na aniya ay binigyan siya ng senyales ng Diyos para hindi na tumakbo.

Ayon kay Rosmar, hindi man matuloy ang pagtakbo niya ay nangako naman nito sa mga nangangailangan na patuloy pa rin ang kanyang pagtulong sa tao. Jocelyn Tabangcura-Domenden