MANILA, Philippines- Ginawa nang prayoridad ng Senado ang Senate Bill No. 2034 o ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act, sa pagbabalik ng sesyon sa November, ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino nitong Lunes.
Tiniyak ito ni Tolentino matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nakaraang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting.
“With the President’s go signal, the ROTC bill has been moved to Tier 1 from Tier 2 in the list of the LEDAC – making it a top priority. So, when the session resumes, we expect to discuss it right away,” aniya.
Sinabi ni Tolentino na ikinokonsidera ang haba ng panahon ng programa at kurikulum na isasama ang subject sa climate change, disaster preparedness, at civics.
Tinitignan din ang paghahanap ng mga opsyon para sa mas maliliit na kolehiyon na naghahandog ng ROTC sa pamamagitan ng resource pooling.
“We can make the first year the basic course, followed by advanced training in the second year. For those who wish to specialize further, we can introduce an Executive ROTC curriculum,” paliwanag niya.
Aniya, nakikita ang positibong pagkiling ng pananaw ng publiko sa lumulobong partisipasyon sa ROTC Games at tumaas na bilang ng kadetang kababaihan.
Naniniwala din ang senador na magdudulot ito ng pagkamakabayan sa kabataan sa gitna ng sigalot sa West Philippine Sea. Ernie Reyes