MANILA, Philippines- Suspendido ang operasyon sa ilang paliparan sa Luzon nitong Martes dahil sa epekto ni bagyong Julian (international name: Krathon), base sa Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap).
Sa 7 a.m. situational report, inihayag ng Caap na itinigil ng limang paliparan ang operasyon nito dahil sa pagbaha o pinsala sa mga pasilidad nito:
Laoag International Airport (suspendido ang Visual Flight Rules o VFR dahil sa light rains at pinsala sa mga pasilidad)
Vigan Airport (suspendido ang VFR operations dahil sa light rains at pagbaha sa runway 20)
Lingayen Airport (suspendido ang flights dahil sa pagbaha sa runway 08)
San Fernando Airport (suspendido ang Visual Flight Rules o VFR dahil sa light rains at low cloud ceiling at low visibility)
Baguio Airport (suspendido ang Visual Flight Rules o VFR dahil sa low cloud ceiling at low visibility)