MANILA, Philippines – Sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy para sa pagtakbong alkalde sa lungsod ng Makati, ay sinabi ni Senator Nancy Binany na walang away sa kanilang pamilya.
“At the of the day, pamilya pa rin kami”, ang emosyonal na pahayag ni Senador Nancy Binay sa kanyang paghahain ng kandidatura sa pagkamayor sa Makati City.
Ang pahayag ay ginawa ni Senador Nancy Binay sa pagpapatibay na walang hidwaan sa pagitan nila ng kapatid na si outgoing Makati City Mayor Abby Binay, na ang mister na si Congressman Luis Campos ang makakatunggali kung sakali.
Binati rin si Senator Nancy ng goodluck si Mayor Abby na susubok namang kumandidato bilang senador sa darating na halalan.
Pinayuhan niya rin ang nakababatang kapatid na alagaan ang sarili dahil labis ang hirap ng national campaign para sa Senador.
“Ako pa rin ang kanyang ate (nagmamahal ). Umaasa rin na siya ang magpaliwanag sa kanyang asawa na umatras at huwag ng tumuloy sa pagkandidato,” sabi pa ni Senador Nancy Binay.
Kasama ni Nancy na naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-bise alkalde ng Makati sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Barangay Valenzuela Community Complex pasado alas-10:00 ng umaga ang kanyang running mate na si Monsour del Rosario, at ang mga konsehales na binubuo ng ilang dating konsehal, dating Bgy. chairman, at dating mga kagawad.
Sina Binay at del Rosario at mga kasama ay parehong kandidato sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance (UNA).
Nagpakita naman ng kanyang suporta si dating Mayor Jun Jun Binay para sa kapatid nitong si Sen. Nancy matapos nitong dumating sa kasagsagan ng paghahain ng COC.
Dagsa namang nagtipun-tipon ang mga tagasuporta ng Senadora at nina Del Rosario sa lugar upang ipakita ang kanilang suporta sa kandidatura ng kanilang pambato.
Ayon kay Jun Jun nag-uusap-usap na sila kasama ang kanilang amang si dating Vice President Jejomar Binay na suportahan ang bawat isa sa kanilang tatakbuhang posisyon.
Samantala, inihayag ni Sen. Nancy ang kanyang track record sa Senado na malaking bentahe para sa kanyang kandidatura bilang mayor. (Dave Baluyot)