Home NATIONWIDE Signal No. 2 itinaas sa 4 lugar sa Luzon sa paglakas ni...

Signal No. 2 itinaas sa 4 lugar sa Luzon sa paglakas ni Julian sa labas ng PAR

MANILA, Philippines- Sinabi ng State weather bureau PAGASA nitong Martes na apat na lugar sa Luzon ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa bahagyang paglakas ni Super Typhoon Julian sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Sa 11 a.m. bulletin ng PAGASA, sinabi nitong kasado ang TCWS No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes

  • Babuyan Islands

  • northern portion ng Ilocos Norte (Bacarra, Pasuquin, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Dumalneg, Adams)

  • northwestern portion ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira)

Samantala, umiiral naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Natitirang bahagi ng Ilocos Norte

  • Ilocos Sur

  • Pangasinan

  • Apayao

  • Kalinga

  • Abra

  • Mountain Province

  • Ifugao

  • Benguet

  • Natitirang bahagi ng mainland Cagayan

  • Isabela

  • Quirino

  • Nueva Vizcaya

  • northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)

  • northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Pantabangan). RNT/SA