MANILA, Philippines – Umalis ng bansa patungong Malaysia nitong Linggo ng gabi si dating police colonel at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Kinumpirma ito ng BI ngayong Lunes, na sinasabing ni-report ito sa Department of Justice.
Si Garma ay dumating sa banda noong sabado matapos madeport sa Los Angeles, California, USA.
“She left as a tourist for Kuala Lumpur, Malaysia at the Ninoy Aquino International Airport Terminal 3,” saad ng BI.
Si Garma ay naging paksa ng immigration lookout bulletin order (ILBO) mula noong Nobyembre 15, 2024, ngunit nilinaw ng BI na “no hold departure order or warrant of arrest issued against her.”
Inaresto at nakulong si Garma at ang kanyang anak na si Angelica Garma Vilelasa San Francisco, California noong November 2024.
Sa isang serye ng mga pagdinig ng House quad committee, tinukoy ni Police Lt. Col. Santie Mendoza sina Garma at dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo bilang mga itinuturong utak sa pagpatay kay dating PCSO board secretary Wesley Barayuga.
Ibinunyag din ni Garma sa quad committee na ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpatupad ng “Davao template” reward system para sa mga pulis na inatasang magsagawa ng mga pagpatay sa mga nasa listahan ng droga. RNT/MND