Home ENTERTAINMENT Rufa Mae, nagbebenta ng property, magreretiro na?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rufa Mae, nagbebenta ng property, magreretiro na?June 8, 2024 16:50 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Nagpost si Rufa Mae Quinto ng video ng kanyang ibinebentang condo unit.Dalawang palapag ito which covers 146 square meters.Sa The Greenbelt Residences ang location nito.Ibinebenta lang naman ito ng sexy comedienne ng P45.5 M.Puwede rin itong rentahan sa halagang P150 a month, walang short term kundi isang taon ang pinakamaikling kontrata.As usual, hati ang mga reaksyon ng mga netizens.Isa na rito ‘yung hindi interesadong bilhin ang sinasalyang property ni P-chi.Sa halip na bilhin daw niya ‘yon ay bibili na siya ng kasinghalaga ng property sa California, USA at nasa prime location pa.Nakatagpo naman ng kakampi si Rufa Mae na nang-okray sa nagmamagaling na netizen.“Baket, may P45.5 M ka ba sa bank account mo?” pagtataray nito sa kapwa netizen.Payo pa nito kay Rufa Mae, huwag nang pansinin ang mga ganoong tao na hindi naman talaga mga prospective buyers kundi nang-iinis lang.Pero sa isang banda, hindi maiiwasang hindi maintriga ang ibang netizens sa pagbebenta ng aktres ng kanyang condo unit.Bibitawan na raw ba niya ito to settle in the US for good?Kapag kasi may trabaho dito’y umuuwi sa Pinas si Rufa Mae leaving behind her husband Trevor Magallanes and their child behind.Kaya tanong ng mga netizens: magreretiro na ba ang aktres? Ronnie Carrasco III