Home ENTERTAINMENT Tropa ni Kath, di pa tanggap si Alden!

Tropa ni Kath, di pa tanggap si Alden!

Manila, Philippines- Looks like Alden Richards has to bend over backwards to win the approval as well as acceptance ng circle of friends ni Kathryn Bernardo.

Oo nga’t nailapit na ni Alden ang kanyang sarili sa pamilya ng ka-MU na aktres, pero let’s face it, iba pa rin kung welcome ang aktor sa mga kaibigan nito.

Obyus naman kasing naninimbang pa ang mga friends ni Kathryn as these are the same people na malapit din sa ex-boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Nakapagsalita na nga si Joshua Garcia who’s close to the former couple.

Siya ‘yung tipo who doesn’t take sides, dahil aniya’y hindi naman daw kailangang magkaroon ng kampihan much less ng “polarization.”

No need para magkaroon ng Team Karhryn at Team Daniel.

Pero mukhang taliwas ito sa kaso ng mag-asawang Sofia Andres at Daniel Miranda.

Sa Instagram Reels kasi ni Sofia, finlex niya ang steak dinner bonding nilang magdyowa with Kathryn and another female companion.

Kung susumahin ang number of times, napapadalas na “ligwak” si Alden sa mga bonding moments ni Kathryn with her circle of friends.

Dahil dito’y pinapayuhan ng mga netizens ang Kapuso actor to exert extra effort to endear himself to Kathryn’s friends.

Pero marami namang nagsasabing huwag madallin ang time when Kathryn’s group of friends get to welcome Alden.

Darating din naman daw ‘yon na ipapi-feel nila mismo kay Alden na tanggap na tanggap na siya.

Isipin na lang daw ng mga maka-Alden that it takes a while to build friendship.

Siyempre nga naman, sa 10 years nina Kathryn at Daniel ay natural lang that they had developed a strong network of friends kumpara sa MU stage ng KathDen.

Lalong hindi naman ibig sabihin nito’y may “unspoken rule” na itinakda si Daniel na huwag tanggapin si Alden ng mga common friends nila ni Kathryn.

Parang mga bata lang? Ronnie Carrasco IIi