Home ENTERTAINMENT Rufa Mae, nakatanggap ng ‘condolence’!

Rufa Mae, nakatanggap ng ‘condolence’!

140
0

San Francisco, USA – Walang mahal sa buhay ang pumanaw.

Klaro na ikinalungkot ng mga kapwa artista at mga netizens ang kinahinatnan ng buhay-may-asawa ni Rufa Mae Quinto.

Public knowledge na hiwalay–although not yet legally–na ang sexy comedienne sa kanyang asawang si Trevor Magallanes.

Looking back, nakatawag-pansin ang mga throwback photos which Rufa Mae posted on Instagram.

Kabilang dito’y mga larawan during their happier times.

Kasama rin doon ang litrato with their only child Athena.

No caption posted.

Pero sapat na ‘yon para bumaha ng mga mensahe ng condolence ang post na ‘yon.

Among the fellow celebs who commented ay sina Maxene Magalona, Alessandra de Rossi, Candy Pangilinan, Cristine Bersola at Ogie Alcasid.

Hangad ng mga ito na nasa mabuting kalagayan si Rufa Mae sa kabila ng pinagdadaanan nito.

Minsan nang sinabi ng komedyana in her TV guesting na gustuhin man daw niyang magsama pa sila ni Trevor ay ito na ang lumigwak sa kanya.

Left alone, walang ibang choice si Rufa Mae but to move on with her life. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here