Home ENTERTAINMENT Ruffa, di kinaya pag-alis ni Venice!

Ruffa, di kinaya pag-alis ni Venice!

Manila, Philippines – Empty nester.

Ganito kung ilarawan ni Ruffa Gutierrez ang kanyang sarili matapos ihatid si Venice sa airport.

Venice is Ruffa’s second and youngest child by former husband YImaz Bektas.

Inihatid ni Ruffa si Venice na bibiyaheng pa-Amerika.

Emosyonal na post ng dating beauty queen sa Instagram: “Today, my daughter spreads her wings as she begins a new chapter in her life as a university student.”

Dagdag pa ni Ruffa, may isang oras na raw siyang iyak nang iyak-obyus na hindi niya kinaya na mawalay sa anak.

Nasa US din kasi ang panganay niyang anak na si Lorin.

Ito ang binilinan ni Ruffa na mag-alaga sa nakababatang kapatid.

“Sad but proud mom,” bawi naman ni Ruffa na she’s happy to see Venice chase her dreams while forging new friendships.

Tanggap din ni Ruffa ang malungkot na katotohanang isa siyang empty nester.

The phrase refers to either parent na naiiwang mag-isa ng kanyang mga nagsilakihan nang anak, either para bumuo ng sariling pamilya–or in the case of Venice, to study abroad.

Speaking of pursuing higher studies, late 40s na nang nakatapos ng kokehiyo si Ruffa with a degree in mass communication from the Philippine Women’s University.

Tapos din ng master’s degree ang TV host-actress. Ronnie Carrasco IIi