Home NATIONWIDE Au Pair Visa Programs sinuspinde ng Germany, Norway

Au Pair Visa Programs sinuspinde ng Germany, Norway

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng German government sa Berlin ang Au Pair Visa Program na pumapayag sa mga Filipino na makapasok sa naturang bansa para sa cultural immersion.

Sa public briefing nitong Martes, Agosto 20, sinabi ni Commission on Filipinos Overseas (CFO) Chairperson Secretary Romulo Arugay na ang suspension ay dahil sa mga isyu na nararanasan sa kasalukuyang mga lumahok sa programa.

“Nagkaroon po ng issue ang mga Au Pair participant doon. May mga concern sila, may mga abuses po na nangyayari and the government of Germany made an imperative move to suspend the issuance of the certificate of authenticity of this agreement between the Au Pair Program,” ani Arugay.

Posibleng pansamantala lamang ang pagsuspinde sa program, aniya.

“Inaayos pa nila ang mga dapat ayusin,” dagdag ni Arugay.

Sinuspinde rin ng Norway ang programa.

Samantala, patuloy pa rin na nag-iisyu ng Au Pair visas ang Denmark at Netherlands.

Ang Au Pair Visa Program ay isang cultural exchange initiative sa pagitan ng mga European country at Filipino na nais maranasan ang pamumuhay sa naturang mga bansa sa pagtira sa kanilang host family.

“Sila po ay nagkakaroon ng immersion program and familiarization in the country, and nagiistay po [sa] host country kung saan nagshe-share po siya ng mga household chores doon and other agreement nila. Hindi po ito mga [domestic helpers], hindi po ito mga workers. It’s more of an immersion in the culture of Europe, kaya ito ay programa kung saan ang host country has the right to stop or continue the program,” sinabi pa ni Arugay. RNT/JGC