Home ENTERTAINMENT Ruffa, flinex si Bistek sa social media!

Ruffa, flinex si Bistek sa social media!

Manila, Philippines – Sa wakas, opisyal nang ipinakilala ni Ruffa Gutierrez sa publiko ang espesyal niyang ugnayan kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, o mas kilala bilang “Bistek,” sa pamamagitan ng isang TikTok video na in-upload noong Mayo 13, isang araw matapos ang kaarawan ni Herbert.

Sa TikTok post, ibinahagi ni Ruffa ang ilang sweet moments nila ni Herbert—mula sa date sa isang restaurant, panonood ng NBA game, hanggang sa pagdalaw ni Herbert sa kanyang tahanan.

Caption ni Ruffa:
“One day late but the most unforgettable moments don’t make it to social media. Happy birthday, HERBERT CONSTANTINE MACLANG BAUTISTA!”

Netizens Kinilig!
Agad namang umani ng kilig at suporta ang post mula sa mga netizen.
“I’m so happy for you, Ms. Ruffa. Finally you met your man,” saad ng isang fan.
“Mahirap turuan ang puso… Maikli lang ang buhay. Choose to be happy always, Ms. Ruffa,” wika naman ng isa.
May ilan pang nagsabing, “Na kay Herbert lang pala talaga ang susi sa puso ni Ruffa,” at “Kapag tunay na pag-ibig nga naman, kahit matangkad at maliit, e pinagtatagpo.”

Hindi na Sekreto
Matatandaang noong Hunyo 20, 2024 sa YouTube vlog ni Karen Davila, kinumpirma ni Ruffa ang tungkol sa relasyon nila ni Herbert, kasunod ng rebelasyon ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.

Sa nasabing panayam, sinabi ng mga anak ni Ruffa na boto sila sa kasalukuyang karelasyon ng kanilang ina.
Ani Venice:
“Her current partner now… he treats her very well, and she is ecstatic about him. So of course, I’m very happy for her.”

Tahimik Pero Totoo
Bagamat matagal nang napapabalitang may espesyal na ugnayan ang dalawa, aminado si Ruffa na sadyang pinili niyang gawing pribado ang relasyon.
“I think now, it’s just better that a quiet personal life leads to more happiness,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, hindi na kailangan ang overposting sa social media upang patunayan ang pagmamahalan.

Nag-ugat sa Trabaho
Ayon kay Ruffa, nagsimula ang kanilang closeness noong 2020 sa set ng The House Arrest of Us, isang romantic-comedy series na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kung saan gumanap sila ni Herbert bilang magulang ni Kathryn sa palabas.

Mula sa Mapait na Nakaraan, Patungo sa Bagong Pag-ibig
Matatandaang naging bukas si Ruffa sa mga nakaraan niyang pagsubok, kabilang na ang domestic violence sa dating asawa niyang si Yilmaz Bektas. Bago si Herbert, anim na taon ding naging karelasyon ni Ruffa ang French-Israeli businessman na si Jordan Mouyal.

Ngayon, tila natagpuan na ni Ruffa ang katahimikan at kaligayahan sa piling ni “Bistek”—at kahit hindi laging naka-post online, ang totoo at tahimik na pagmamahalan ay lumalaban.

Ador Saluta