MANILA, Philippines – Sakaling maglabas na ng panibagong arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersiyal na war on drugs ay hinintay in muna ng Department of Justice (DOJ) ang ruling ng Korte Suprema bago ito aksyunan.
Ito ay kaugnay sa petisyon na kumukwestyon sa pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas sa ICC at pag-aresto na rin sa dating pangulo.
Paglilinaw ito ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez kasunod ng paglabas ng ICC ng mga pangalan ng iba pang kapwa salarin ng dating administrasyon sa kampanya kontra ilegal na droga.
Sinabi ni Martinez na bagama’t hindi na tayo bahagi ng ICC ay may obligasyon pa rin tayo sa international community gaya ng International Police Organization o Interpol.
Batay sa dokumentong inilabas ng ICC nitong weekend, kabilang sa mga co-perpetrators sina:
Senator Ronald “Bato” dela Rosa
Senator Bong Go
Mga nagsilbing PNP Chief na sina Vicente Danao, Camilo Cascolan at Oscar Albayalde
Dating NBI Director Dante Gierran
Dating PDEA Chief Isidro Lapeña
At dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II
Kung sakali namang lumabas na ang arrest warrant ng mga ito, sinabi ni Martinez na may posibilidad na isantabi muna ito ng ehekutibo habang hinihintay ang ruling ng Korte Suprema bago ito ipatupad.
Pero ayon sa DOJ wala pang inilalabas sa ngayon na arrest warrant ang ICC laban sa mga nabanggit na personalidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden