Iniharap sa mga media ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang Russian-American content creator na si Vitaly Zdorovetskiy na nambastos ng ilang Filipino at ginawa pa nitong content habang bumibisita sa bansa.Nilinaw ni Sec. Remulla na hindi basta ipapadeport ng pamahalaan ang vlogger na idineklara nang ‘undesirable alien’ at nasa ilalim ng ‘restrictive custody’ ng Bureau of Immigration.Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng vlogger sa bansa. Habang nasa harap ng media ay patuloy ang ginagawa nitong pang-iinis at pang-aasar sa harap mismo ni DILG Sec. Remulla. VAL LEONARDO
MANILA, Philippines – Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na nakatakdang na ideport sa Russia sa loob ng isang linggo ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy.
Sinabi ni BI legal division chief Arvin Santos na naipasa na ang deportation order ng board of commissioners ng BI.
Aniya, naresolba na ang mga kaso ni Vitaly sa Taguig Regional at Metropolitan Trial Courts at naisagawa na ang kanyang mga parusa.
“Kaya, marapatin po ay puwede na rin po siyang i-deport soon. Nagko-coordinate na rin po kami sa pagde-deport-an na lugar niya, ‘yung bansa niya, which is Russia,” dagdag ni Santos.
Binigyang-diin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na bagama’t may hawak si Vitaly na U.S. green card, siya ay mamamayang Russian.
“Let this be a reminder to all our visitors here in the Philippines that we always welcome tourists and visitors… We have no ill feelings against Vitaly. He has served his time and he has shown his remorse and he is now a free man when he goes back to Russia,” ani Remulla.
Nahuli si Vitaly ng mga awtoridad ng Pilipinas noong Abril 2025 dahil sa serye ng mga ilegal na stunt, kabilang ang pangha-harass sa mga Pilipino sa Bonifacio Global City, Taguig.
Kilala siya sa YouTube bilang vlogger na may mahigit 10 milyong followers. Dave Baluyot