Manila, Philippines – This early ay pinaghahandaan na ni Ryan Bang ang kanyang kasal sa non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.
Matatandaang na-engage sila noong June last year.
At ang kanilang pag-lisang-dibdib: nakatakda na ito sa June 2026.
Dalawang seremonya raw ang idaraos–one in Ryan’s native country in South Korea pero simple lang daw ito.
Ang mas bongga ay ang magaganap sa Maynila.
Ngayon pa nga lang daw ay: “Naku, ang laki ng gastos!”
Kaya naman todo-kayod daw ang It’s Showtime host lalo pa’t isa sa mga nasa bucket list niya is to get himself a condo unit with Paola.
Inuna lang daw muna niya ang kanyang ina sa Korea na binilhan niya ng bahay.
Aside from his showbiz earnings, malaki rin daw ang maitutulong ng kanyang resto business.
Ryan just opened the second branch of Paldo, a Korean fine dining restaurant on the 5th floor of The Podium.
Nauna niyang itinayo ang Paldo sa Scout area sa Qurzon City kung saan malapit ang coffee shop na itinayo naman ni Paola.
Wala ngang dudang Ryan and Paola compliment each other dahil marketing naman ang forte ng future Mrs. Bang.
Dito sa atin, ang ibig sabihin ng salitang “paldo” ay makapal as in bulsa.
Namumutiktik kumbaga sa pera, pero iba pala ang kahulugan nito sa Korea.
Ani Ryan: “In Korea, ‘paldo’ means eight provinces.
“Kaya sa resto ko, ‘yung customer gets to experience authentic food mula sa walong lugar sa Korea. Kumbaga, why go to Korea when you can eat all the Korean food you like dito sa Paldo?”