Home ENTERTAINMENT Ryan, may rebelasyon, muntik nang hiwalayan ng jowa!

Ryan, may rebelasyon, muntik nang hiwalayan ng jowa!

253
0

Manila, Philippines- May nakakaaliw na rebelasyon ang Korean actor at “It’s Showtime” host na si Ryan Bang nang maging panauhin siya sa YouTube channel ni Gladys Reyes.

Naurot kasi ng primera kontrabida ang komedyante hinggil sa kanyang pribadong buhay.

Sa kanilang tsikahan, natanong ni Gladys si Ryan kung kanino siya close among his friends sa showbiz.

Sey ni Ryan, malapit daw siya kay Ogie Alcasid na co-host niya sa “It’s Showtime” at asawa ni Songbird Regine Velasquez.

Pareho raw kasi sila ng interes ng singer- composer.

Ibinunyag pa ni Ryan na pinagsesolosan ng kanyang dyowang si Paola Huyong ang kanilang closeness.

“Isa siya sa pinaka-close ko ngayon. Tsaka first time na nag-selos si Paola dahil kay Kuya Ogie,” lahad niya.

Nawindang naman si Gladys sa ikumpisal ni Ryan kaya nausisa niya ito.

“Bakit! Ano yun? Hindi ko alam yun!” ani Gladys.

Sey ni Ryan, malaking bagay daw sa pagiging malapit nila ni Ogie ang paglalaro ng golf.

“Bukambibig ko raw si Kuya Ogie. Usually di ba, nagseselos yung mga babae sa babae? Siya, nag-selos siya kay Kuya Ogie kasi sabi ko, ‘Alam mo, si Kuya Ogie, pag-swing niya napaka-séxy.’ Magkasama kami lagi sa golf. So sobrang galing ni Kuya Ogie mag-golf kaya naging idol ko siya,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Ryan, gusto rin daw niyang bigyan ng kredito ang OPM icon kaya siya sakalam sa golf.

“First time ako nag-champion sa Golf Tournament sa ABS-CBN Golf Tournament dahil kay Kuya Ogie,” pagbabahagi niya.

Marami naman ang natawa nang ibuking niya na muntik na silang maghiwalay ni Paola dahil kay Ogie.

“In love na in love ako kasi ang galing niya mag-golf! Muntik na kami maghiwalay ni Paola dahil kay Kuya Ogie Alcasid,” hirit niya.

Reaksyon naman ni Gladys: “Naku ah, sa mga di nakakaalam, imagine mo, hindi ibang babae ang pinagawayan nila.”

Umani naman ng mga nakaaaliw na komento ang naging pagtatapat ni Ryan tungkol kay Ogie. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here