Home ENTERTAINMENT Ryzza, sinabihang mas mahal pa ang nabasag na vase kaysa sa kanyang...

Ryzza, sinabihang mas mahal pa ang nabasag na vase kaysa sa kanyang buhay!

23
0

Manila, Philippines — Ang buhay nga naman…

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay lugmok ka, may bukas na naghihintay sa iyo.

Take the case of Ryzza Mae Dizon na nginitian ng kapalaran.

Ito’y nang mabili niya ang bahay ng kanilang kapitbahay na nang-alipusta sa kanya!

Kuwento ng Eat Bulaga host, playmate niya ang apo ng may-ari ng malaking bahay.

‘Di sinasadyang nabasag niya ang isang maliit na vase—na ikinagalit siyempre ng may-ari.

Kesyo sinabihan nito si Ryzza Mae na mas mahal pa ang vase na nabasag niya kaysa sa buhay niya.

Tumatak ‘yon sa isip ni Ryzza Mae na noong magwagi siya sa Little Miss Philippines 2012, ang ipinambili niya ng bahay ng nang-alipusta sa kanya ay mula sa kanyang napanalunan!

Aminado si Ryzza Mae na mahirap ang buhay nila noon.

Nilait, nagsikap, nagtagumpay, biniyayaan.

Ang plot twist sa buhay ng dating Aling Maliit… bow!

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here