Home IN PHOTOS Vargas, Nieto nagkaisa laban sa bullying

Vargas, Nieto nagkaisa laban sa bullying

2
0

Nagkaisa sina Cainta Mayor Keith Nieto at Quezon City Councilor Alfred Vargas upang palakasin ang kampanya laban sa bullying at higit na maprotektahan ang mga kabataan laban sa pang-aabuso, pananakot, at diskriminasyon.

Sa kanilang pagpupulong sa Cainta, Rizal, tinalakay ng dalawang opisyal ang mas mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 7610 at iba pang programang naglalayong tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga bata sa paaralan at komunidad.

Ayon kay Vargas, mahalagang hindi lamang mga estudyante ang mabigyan ng sapat na kaalaman tungkol sa masamang epekto ng bullying kundi maging ang mga magulang, guro, at iba pang miyembro ng komunidad.

Samantala, tiniyak naman ni Mayor Nieto na makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang sektor upang makalikha ng isang ligtas at mapagkalingang kapaligiran para sa mga kabataan sa Cainta.

Malugod namang tinanggap ng mga residente ang inisyatiba bilang suporta sa mga programang nagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga bata.

Naniniwala ang dalawang opisyal na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad ay mababawasan ang mga kaso ng bullying at mabibigyan ang mga kabataan ng pagkakataong lumaki nang may dignidad, kumpiyansa, at pag-asa para sa kinabukasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here