Manila, Philippines – Kakaiba ang taglay na sex-appeal ni Skye Gonzaga sa mga barako.
Astig kasi ang kanyang kaseksihan, ‘ika nga ay siksik, liglig at umaapaw ito.
Malupet ang vital statistics na 34-24-36 ng talent na ito ni Lito de Guzman, kaya naman hindi nakapagtataka kung maraming member ng opposite sex ang nagpapantasya kay Skye.
Sa bagong movie ng sexy actress titled “Kikirot-Kirot” ay kakaibang pampagana na naman ang makikita ng viewers.
Bukod kay Skye, tampok dito sina Mark Dioniso, Rinoa Halili, Mark Nino, at Margaret Sison, directed by Roe Pajemna.
Nagpatikim nang kaunti si Skye sa kanilang latest offering na available na ngayon sa VMX app.
Aniya, “Ang papel ko po sa movie ay si Roda, kuwento po siya ng mag- asawang may pinagdadanan na napakasakit talaga, ang pagtataksil po.
“Bale, ako yong asawa po sa movie and ang naka-love scene ko rito ay si Mark Dionisio bilang si Ace.”
Totoo ba na ito ang pinaka-daring at hottest movie niya?
Tugon ni Skye, “Hindi naman po siguro, pero marami pong kaabang-abang na maiinit na love scenes dito. Kasama na po iyong sa amin ni Mark (Dionisio).
“And masasabi ko po, ito iyong pinakamagandang kuwento na movie ko and na-challenge ako nang sobra po rito.”
Tiniyak din ni Skye na hindi mabibitin ang manonood dito.
Pahayag niya, “Hindi sila mabibitin sa panonood dahil sa ganda at intense ng love scene rito sa aming movie!
“Marami rin tiyak ang makaka-relate rito na mga mag-asawang dumaaan sa ganitong hamon sa kanilang relasyon.”
Bukod sa kilalang hot na VMX actress na palaban sa sexy scenes at nakakikiliting lampungan, si Skye ay hindi lang sa pagpapa-sexy may ibubuga. Siya ay kilala rin sa pagiging in-demand na DJ. Nonie Nicasio