Home NATIONWIDE S. Luzon, Vis-Min uulanin sa easterlies

S. Luzon, Vis-Min uulanin sa easterlies

MANILA, Philippines – Ang easterlies ay magdadala ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa Martes, iniulat ng PAGASA.

Ang Rehiyon ng Bicol, Silangang Visayas, Caraga, at Davao Region ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies na may posibilidad na biglaang pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog. RNT