MANILA, Philippines – Matapos ang long weekend, unti-unti na ring dumadagsa ang mga pasahero sa mga terminal na nagsisipagbalik mula sa kani-kanilang probinsya.
Sa isang terminal sa Sampaloc sa Maynila, bumuhos kaninang madaling araw ang mga pasahero sa bus terminal ng Florida Bus station sa Earshaw sa Sampaloc.
Bahagya namang nagdulot ng pagbagal ng mga sasakyan sa lugar dahil sa dami na rin ng mga pasaherong bumabalik sa Maynila isang araw bago ang balik-trabaho at eskuwela.
Inaasahan na lalo pang bubuhos ang pasahero ngayong hapon hanggang sa magdamag sa nasabing bus terminal gayundin sa iba pang bus station mula sa ibat-ibang probinsya. Jocelyn Tabangcura-Domenden