Home NATIONWIDE Barko ng PCG hinarang ng mga barko ng China sa RORE mission...

Barko ng PCG hinarang ng mga barko ng China sa RORE mission sa WPS

194
0

MANILA, Philippines – Hinarang ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) nitong Lunes, Agosto 26 ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang rotation and reprovisioning (RORE) mission sa BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sa ulat, hinarangan ng dalawang sasakyang pandagat ng CCG ang BRP Cabra ng Pilipinas habang dinikitan naman ng iba pang barko ng China ang BRP Engaño.

Ang mga barko ng PCG ay naglayag mula Buliluyan port sa Palawan patungong Escoda Shoal para sa RORE mission. Gayunpaman, hindi nila naihatid ang mga suplay dahil sa mga barko ng China.

Noong weekend, binangga at ginamit ng mga barko ng CCG ang water cannon sa BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) malapit sa shoal.

Naniniwala ang PCG na ang dahilan ng mga agresibong hakbang ng China sa Escoda Shoal ay dahil sa presensya doon ng PCG vessel na BRP Teresa Magbanua.

Ang BRP Teresa Magbanua, isa sa pinakamalaki at pinakamodernong barko ng PCG, ay naka-istasyon sa Escoda Shoal mula Abril ngayong taon sa gitna ng mga ulat ng mga aktibidad sa reclamation ng China doon.

Sinabi rin ng PCG na nagtalaga ito ng sasakyang pandagat sa Escoda Shoal hindi para pukawin o palakihin ang tensyon kundi para protektahan at pangalagaan ang mga karapatan ng Pilipinas sa mga katubigang ito, partikular na laban sa mga ilegal na poachers at aktibidad na nakakasira sa kapaligiran ng dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here