Manila, Philippines- Of late ay nag-celebrate na ng third anniversary ang nagba-viral na online program ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta na Persida Acosta’s Legal Advice (PALA). Ito ay napanood sa official Facebook page ni Pao chief na ngayon ay nasa Seasson 7 na.
Dumarami ang live viewers ng PALA dahil sa mga kababayan natin na himihingi ng fee legal advice at hindi makaya ang mataas na singil ng pribadong lawyer sa kanilang mga kaso.
Karamihan sa mga netizen na suki ng PALA ay nagsa-suggest na ipalabas na rin sa free TV ang PALA para naman daw sa mga kababayan nating walang internet o hindi pa sanay manood sa Facebook.
Sa ngayon kasi ay uso na rin ang mga programang napapanood sa TV na nagko-cross-over sa socmed and vice versa.
For the record ay libo-libong ang naitatalang live viewers ng PALA sa Fb at malamang ay mnas lalo pa itong dumami kapag nag-cross over sa telebisyon.
Napa-smile naman si Chief Persida nang tinanong kung kailan mapapanood sa free TV ang PALA.
Kamakailan ay nagtipon-tipon ang kulang kulang sa talong libong PAO lawyers sa buong bansa na ginanap sa PICC para sa isang convention at recognition sa mga significant people na in one way or another ay nakatulong sa advocacy ng PAO.
Ito ay dinaluhan ng ilang mga OPM artists tulad ni Ogie Alcasid at Laarni Lozada. JP Ignacio