Manila, Philippines- Viral ang litrato na nai-post ni Xian Lim sa kanyang Instagram story kamakailan.
Sa kanyang IG, ibinahagi kasi niya ang bonding nila ng rumored girlfriend na si Iris Lee habang nagjo-jogging sa isang sports stadium.
Nang mai-share naman ito sa isang entertainment portal, umani agad ito ng samu’t-saring reaksyon.
May mga kinesong nagsasabi na ‘gaya-gaya’ raw umano si Xian sa ex.
Lately kasi, lalo na sa kanilang getaway sa Tate for a show, spotted ang KimPau na madalas na nagjo-jogging.
Hirit pa ng mga mahadera, magdyowa na raw ang galawan ng dalawa.
May mga pa-savage namang nang-uurot na ayaw daw pakabog ni Xian sa former girlfriend kaya mega-show din ito sa kanyang socmed account ng bonding nila through exercise ng nali-link sa kanya na filmmaker.
Ito naman ang mga komento ng netizens sa pagkukumpara kay Xian at Iris sa KimPau.
“Naks jogging din sila. Lol!”
“HAHAHA same yan din naisip ko. Tho si Kim and Xian naman dati, masipag na talaga mag-workout together sa gym tho never ko sila nakita nag-jogging together. Si Paulo ata ang mas na-influence mag-jogging and bike dahil kay Kim.”
“Oo, kasi alam mo naman, ang KimPau ang pinaka-original. Pagdating sa lahat ng bagay sila ang original numbawan. Superior above everyone else. Lahat ng iba manggagaya lamang. Di ba mga KimPau delulus.”
“May mati-trigger na naman na mga people…”
“Bawal ba tumakbo sina Xian? Ginagawa naman niya yan dati pa. Laki ng problema niyo!”
“At least parehas na sila happy ni Kim. Di lang talaga sila meant to be.” Archie Liao