Home OPINION SAAN KAYA MAGPAPASKO SI MARTIN?

SAAN KAYA MAGPAPASKO SI MARTIN?

230
0

PASKO na naman. Pero habang abala ang marami sa pagpili kung spaghetti ba o macaroni salad ang ilalagay sa pang-P500 na Noche Buena, may isang tanong na hindi mawala-wala sa usapan sa kanto, sa group chat, pati sa basketball court.

Saan ba magpa-Pasko si dating Speaker Martin Romualdez?

E kasi, nu’ng nangako si Ombudsman Boying Remulla na “magpa-Pasko sa kulungan” ang mga sangkot sa flood control scandal, akala natin ay siya si Santa Claus na maganda ang regalo sa ating mga Pilipino. Maingay. Maporma. Bibo.

Pero bakit ganun, kapag si Martin Romualdez na ang nasa gitna ng usapan, biglang nawawala ang tapang? Biglang napupunta sa “due process” kapag ang “brod” na ang pinag-uusapan. Ni hindi nga ipinagkaloob sa iba ng Ombudsman ang due process.

Bakit ‘ika n’yo? Tingnan n’yo naman ang dami ng ebidensyang inihain laban kay Romualdez. Parang Christmas lights na sobrang liwanag. Pero ayaw pa ring pansinin ng Ombudsman. Ayon na mismo sa WR Advisory Group survey, 23% ng mga tao ay nagsasabing si Martin ang primary accountable sa isyung ito.

Tapos, may mga pangalan nang binura ng Independent Commission for Infrastructure sa flood control scam dahil sa kakulangan ng ebidensya. Cleared. Finished. Dismissed. Pero anong ginawa ni Ombudsman Boying? Aba, hindi pa raw tapos. “Nagke-“case build-up” pa raw. Ano ito, selective justice? Pagtatakip at paglilihis para hindi maidawit si Romualdez?

Kaya habang pilit pinagkakasya ng karaniwang Pilipino ang kanilang pang-Noche Buena, mukhang magiging sagana ang Pasko ni Romualdez. Hindi natin alam kung saang siyudad, saang bansa, o saan sa napakarami niyang mansion.

Ang alam natin, hindi siya magpa-Pasko sa kulungan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here