Home ENTERTAINMENT Sabay na pag-jogging nina Kathryn at Echo, pinag-uusapan!

Sabay na pag-jogging nina Kathryn at Echo, pinag-uusapan!

Manila, Philippines – Usap-usapan sa social media ang post ng isang netizen kung saa’y ikinukuwento niya na nakasabay niyang mag-jogging ang Asia’s superstar na si Kathryn Bernardo at ang kahihiwalay lang sa asawang si Jericho Rosales.

Sa Facebook post ng netizen na si Joanne Canja ay ibinunyag niya ang dalawa.

“Kasabay lang namin mag-jogging sina Kathryn and Jericho.”

Subalit nilinaw naman ng netizen na hindi lang silang dalawa ang nagdya-jogging. Kasama ng dalawa ang dating child actor na si John Manalo.

Kung sabagay, wala namang malisya kung ang dalawa’y jogging mate sa ngayon dahil pareho naman silang single.

Si Kathryn ay hiwalay na sa bf na si Daniel Padilla last December 2023, habang si Jericho nama’y nitong nakaraang linggo lang inamin na hiwalay na sila ni Kim Jones. Ador Saluta

Previous articleMilitar, mga rebelde nagsagupaan sa Taysan!
Next articleDong at PJ, tie sa best actor; Vilma, best actress sa MIFF!