MANILA, Philippines- Nagbakbakan ang mga sundalo at mga komunistang rebelde sa bayan ng Taysan sa Batangas nitong Biyernes, ayon sa provincial police.
Sa ulat nitong Sabado, sinabi ng Batangas Provincial Police Office na nakatanggap ng tawag ang Taysan Municipal Police Station mula sa sergeant ng 59th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA) dakong alas-10 ng gabi nitong February 2 ukol sa apat na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde.
Naganap ang sagupaan sa Sitio Centro, Brgy. Guinhawa sa Taysan, batay sa mga pulis.
“Personnel of Taysan Municipal Police Station led by PEMS Rizalina Buquis were dispatched to conduct checkpoint operation at Brgy Pinagbayanan, Taysan, Batangas,” anang Batangas police, at inihayag na humingi rin ang Taysan police ng tulong sa Batangas Provincial Explosive Ordinance Division and Canine Unit at Batangas Provincial Forensic Unit para sa “processing of crime scene.”
Subalit, hindi tinukoy ng Batangas police sa ulat nito kung may nasawi sa mga nasabing engkwentro.Subalit, sinabi nila na patuloy ang clearing operation ng 59th IB. RNT/SA