Home ENTERTAINMENT Sabrina M, umatras sa Mrs. Face of Tourism, sinuportahan ni Janina!

Sabrina M, umatras sa Mrs. Face of Tourism, sinuportahan ni Janina!

Manila, Philippines – Had she not backed out of Mrs. Face of Tourism Philippines, former sexy star Sabrina M. could have landed a spot much less clinched the title.

Inamin ng dating sexy star sa isang exclusive interview ng PEP na dalawang araw bago ang grand coronation night sa Clark, Pampanga ay umatras siya.

The said pageant was held last July 1.

Ayon sa salaysay ni Sabrina, naguluhan daw siya sa criteria for judging.

Malaki raw ang kinalaman ng nag-organisa nito.

Ikinalungkot niya ang effort nila ng kanyang handler na si Pia Borromeo na hindi bumitiw sa kanya mula umpisa until she backed out.

Sinang-ayunan naman ni Janina San Miguel ang alingasngas na binisto ni Sabrina.

Kung matatandaan, si Janina ang kandidata sa Binibining Pilipinas who committed a foul-up sa Q & A portion.

Nonetheless, she was crowned Binibining Pilipinas-World 2008 pero ibinigay din ang titulo six months later.

Si Janina ang naunang kandidata na nag-back out sa Mrs. Face of Tourisn Philippines dahil sa pagiging disorganisado nito.

Sinabi pa niyang money contest lang ang naturang timpalak.

Taliwas umano ito sa pinalalabas nitong isinusulong nito ang turismo sa bansa.

Umatras daw siya para hindi na magamit ng pageant sa kung anumang layunin meron ito.

Ibinisto rin ni Janina ang isang dating fellow candidate na natalo dahil sa kawalan ng pera.

Ikinumpara niya ito sa isang kandidata na kahit mataba ay nanalo dahil naging sponsor daw ito.

Going back to Sabrina, magpo-focus lang daw muna siya sa planong magbalik sa showbiz.

Kesa lalo pa raw magulo ang isip, nagpasya siyang mag-back out na lang sa Mrs. Face of Tourism kahit maraming kapwa kandidata ang nanghinayang para sa kanya. Ronnie Carrasco III