Home NATIONWIDE Sabwatan sa pagtakas ni Sen. Bato, ‘di pa sapat ang ebidensya –...

Sabwatan sa pagtakas ni Sen. Bato, ‘di pa sapat ang ebidensya – DOJ

3
0

MANILA, Philippines – Hindi pa sapat ang ebidensya para sabihing may sabwatan sa pagtakas si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa Mula sa Senado matapos ang nangyaring putokan noong Mayo, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay DOJ Usec. Ian Norman Dato na kailangan pa ng imbestigasyon dahil hindi pa hinog ang kaso.

Aniya, ipauubaya muna sa panel of prosecutors ang pagsusuri ng mga ebidensya.

Samantala, upang makakalap ng karagdagang impormasyon para sa imbestigasyon -pinayagan na rin ng Senado ang panel of prosecutors na magsagawa ng inspeksyon sa Senate premises.

Ito ay matapos na maantala noong panahon ni dating Senate President Alan Cayetano dahil umano sa posibleng conflict of interest.

Sinabi rin ni Dato na marami sa mga personalidad na lumalabas sa initial findings ng investigating panel ay mga public official.

Ngunit hindi pa naibabalik sa kanila ang reklamong obstruction of justice laban kay Senador Robin Padilla, na isa sa mga sinasabing tumulong kay Dela Rosa. 

Nauna nang ibinalik ang reklamo sa PNP-CIDG para sa karagdagang imbestigasyon alinsunod sa Department Circular No. 20.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here