Home NATIONWIDE COA nagbigay ng unmodified opinion sa financial statements ng OVP para sa...

COA nagbigay ng unmodified opinion sa financial statements ng OVP para sa 2025

2
0

MANILA, Philippines – Nagbigay ang Commission on Audit (COA) ng unmodified opinion sa financial statements ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2025.

Ayon sa COA, nangangahulugan ito na ang financial statements ng OVP ay naihanda at naipasa nang maayos, alinsunod sa itinakdang financial reporting standards.

Sinabi rin ng COA na sapat at angkop ang mga ebidensyang nakalap nito upang suportahan ang naturang audit opinion.

Ayon sa OVP, nagamit nito ang 92.32% ng kabuuang badyet nito noong 2025, na anila ay nagpapakita ng maingat na pamamahala sa pondo sa kabila ng mas maraming operasyon at serbisyong ibinigay.

Dagdag pa ng OVP, ito na ang ikaapat na sunod na taon na nakatanggap ito ng unmodified opinion mula sa COA.

Gayunman, nilinaw ng COA na ang unmodified opinion ay hindi isang rating o marka ng isang ahensya. Saklaw lamang nito ang pagsusuri kung tama at kumpleto ang paghahanda at pagsusumite ng financial statements.

Hindi rin ito nangangahulugan na nasuri na ang pagsunod ng ahensya sa lahat ng batas at regulasyon o ang pagiging episyente at epektibo ng paggamit nito sa pondo. Ang mga ito ay sinusuri sa pamamagitan ng hiwalay na compliance at performance audits.

Inilabas ang audit opinion bago ang nakatakdang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kung saan isa sa mga isyu ang umano’y maling paggamit ng pondo ng OVP. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here