Home NATIONWIDE Sagada coffee farmers na apektado ng forest fire, aayudahan

Sagada coffee farmers na apektado ng forest fire, aayudahan

120
0

MANILA, Philippines – Siniguro ng lokal na pamahalaan ng Sagada nitong Sabado, Abril 6 na makikipagtulungan ito sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para tulungan ang mga magsasaka ng kape na apektado ng forest fires noong Pebrero at Marso.

Sinabi ni Sagada Mayor Felicito Dula sa panayam na bagamat wala silang aktwal na bilang ng mga punong natupok ng apoy, umabot naman sa P16 milyon ang pinsala at mahigit 30 coffee farmers ang nawalan ng hanapbuhay.

Sa sidelines ng 17th Mountain Province Lang-ay Festival, sinabi ni Dula na handa na ang Department of Social Welfare and Development para tulungan ang mga ito, na binigyan ng P5,000 kada isa.

“It is a small amount but we are still coordinating with the DOLE (Department of Labor and Employment) for an additional allotment for the forest fire-affected farmers,” dagdag ng alkalde.

Aniya, nauna nang nagbigay ang DOLE ng P1 milyong tulong sa ilalim ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) emergency employment program, ngunit hindi tinukoy ang mga coffee farmers na mga recipient nito.

Dagdag niya, humingi na rin sila ng tulong sa Department of Agriculture para sa financial assistance at tulungan ang mga magsasaka na suriin ang mga tanim na kape na maaari pang maisalba.

Nangako ang alkalde na gagawa ng iba pang paraan para matulungan ang mga magsasaka.

Ang Sagada coffee, partikular ang Sagada Gold brand ay patented ng lokal na pamahalaan. Ito ay ibinibenta mula P250 kada 200 gramo at paboritong pasalubong ng mga turista. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here