MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad ang isang brick ng hinihinalang high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P200,000 sa opisina ng isang courier sa Tacloban City nitong Sabado, Abril 6.
Nadiskubre ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-8 at Philippine National Police (PNP) ang kargamento sa random K-9 inspection sa opisina ng courier sa Gomez St.
Nakabalot sa damit ang kontrabando at may timbang na isang kilo.
Ipadadala sana ang parcel sa isang lalaking residente ng isang subdivision sa Tacloban City.
Pinaghahanap pa ang lalaking residente na tatanggap sana ng kargamento.
Nasa kustodiya na ng PDEA-8 ang drug evidence para sa tamang disposisyon. RNT/JGC