Home METRO Saint Padre Pio Parish sa ilocos, dinadagsa sa ‘milagrosong’ tubig sa poso

Saint Padre Pio Parish sa ilocos, dinadagsa sa ‘milagrosong’ tubig sa poso

ILOCOS SUR- PINIPILAHAN ngayon ang tubig mula sa poso na nasa bakuran ng Saint Padre Pio Parish, Ilocos Sur, dahil sa paniwalang may milagro umano sa patuloy nitong paglabas kahit na hindi binobomba, iniulat kahapon sa bayan ng Magsingal.

Ayon kay Fr. Raymond Ancheta, pari sa nasabing simbahan tiniyak niyang ligtas ang tubig na lumalabas sa poso dahil isinailalim na ito sa laboratory ng parokya.

Aminado naman si Fr. Ancheta na hindi pa masasabing milagro at hindi milagro ang nangyayari sa kanilang bakuran sa Saint Padre Pio of Pietrelcina Parish sa Barangay Panay, Magsingal, Ilocos Sur.

Ani Fr. Ancheta, bukas sa publiko ang bakuran ng simbahan at libre ang tubig na nakukuha sa poso.

Sa kabila ng sinabi ng Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) Region 1 na walang malinaw na katibayan tungkol sa anumang health benefits o medicinal properties sa tubig na nanggagaling mula sa poso.

Subalit, ilang sa mga residente sa karatig na bayan ang nagsasabing gumaling sila sa kanilang karamdaman matapos makainom ng tubig mula sa poso.

Pahayag naman ng ilang deboto, naniniwala pa rin sila ng himala na dala ng Santo na si Padre Pio.

Si Padre Pio ay ginawang Santo ni Saint John Paul II noong Hunyo 16, 2002, sa Roma, kung saan ipinalaganap niya ang katuruan ng pagdarasal at pagkakawanggawa.

Kinilala rin siya sa kanyang mga milagrong nagawa gaya ng pagpapagaling ng mga may sakit./Mary Anne Sapico