MANILA, Philippines – Isang empleyado ng isang Footwear and Apparel Shop ang naaresto makaraan umanong tangayin ang tinatayang P120,000 na kita ng tindahan sa Brgy Bacao sa Gen. Trias City, Cavite.
Sa report, kinilala ang suspek na si alyas Ramon na nadakip sa isang follow-up operation na isinagawa ng pulisya.
Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang natuklasan ng may-ari ng Shoenversity Footwear and Apparel sa Bacao Compac sa nasabing lugar na nawawala ang tinatayang P120,000.00 cash na kinita ng tindahan.
Sa footage ng sa Closed Circuit Television (CCTV) sa loob ng tindahan, nakita at nakilala nila ang suspek na umanoy kanilang empleyado dahilan upang magsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto nito.
Umabot sa kabuuang P120,000 cash na tinangay, P60,000 na lamang ang narekober at naibalik ng suspek.
Nahaharap sa kaso ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng General trias City Police Station. Margie Bautista