Manila, Philippines – Hindi naiiba si Aga Muhlach sa ibang ordinary father na protective sa mga anak.
Dalawa ang anak ni Aga sa asawang si Charlene Gonzales-Muhlach, ang kambal na sina Atasha at Andres, 22.
May isa pang panganay na anak si Aga sa kanyang ex na si Janice de Belen, si Iggy Boy, 37.
Sa naganap na mediacon para sa first ever sitcom ng Philippine showbiz royalty na Muhlach family na Da Pers Family, inamin ni Aga na over protective siya kina Atasha at Andres.
“I have to admit na super protective ako kina Atasha at Andres lalo na kapag nagte-taping kami sa sitcom. Lumalabas talaga ang pagka-tatay ko.
“Mahirap.
“Difficult in the aense na noon, kapag nagte-taping ako, ang iniisip ko lang, ang sarili ko.
“Ngayon, nandiyan ang family ko na binabantayan ko, na kapag naglilinya na sila oncam, inaabangan ko ang bitaw nila, tapos ako, pag turn ko na, ‘yung ako na pala ang susunod, tapos ako tuloy ang nawawala. “Masyado lang akong protective sa mga anak ko talaga.
“Pero ang pinakamasaya sa pagpasok nila sa industry.
“‘Yung hirap na pinagdaanan ko sa showbiz mula nang nagsimula ako, e, alam ko na mahaba and mahirap talaga, plero sila na ang nagdesisyon na they wanted to work,” kwento ni Aga.
May payo rin na binigay si Aga para sa kanyang mga anak sa showbiz.
“Sa akin kasi, nagawa ko na ang lahat sa buhay ko pero ang first time ko talaga ngayon is ‘yung working with the kids.
“Ang payo ko sa kanila, ang importante sa industriya natin is to be kind to everyone, kahit na may mayabang kang maka-engkwentro, dont judge.
“Sa pag-arte naman, kailangan lang diyan malakas ang loob mo. Ang talent naman nade-develop ‘yan and I have a strong feeling na made-develop din nina Atasha and Andres ang mga talents nila in time,” sabi pa ni Aga.
Kasama rin sa Da Pers Family ang kanyang real wife na si Charlene.
“Sa taping na ito, si Charlene talaga ang big boss,” biro pa ni Morning, tawag kay Aga ng mga close friends niya.
Sa Da Pers Family na mapapanood sa TV5 starting July 21, 2024 at 7:15PM, sumabay sa nakaaaliw na kwento ng Persival family at ng kanilang bakery na The Bake Haus of You.
Magsisimula ang problema ng pamilya dahil sa kagagawan ng dating BFF ni Aga (gagampanan ni Roderick Paulate) na pabagsakin ang negosyo nila.
Dito lalabas ang tatag ng Persival family sa kanilang pakikipaglaban na mailigtas ang kanilang bakery business.
Siguradong halo-halong emosyon ng lungkot at katatawanan ang hatid ng Da Pers Family sa mga viewers.
Ito rin ang pinakahihintay na reunion nina Aga at Charlene sa kanilang mga dating kasama sa ‘Oki Doki Dok’ na sina Bayani Agbayani, Roderick, at ng ‘Oki Doki Dok’ director na si Direk Danni Caparas.
Kasama rin sa star-studded cast ng Da Pers Family sina Ces Quesada, Heart Ryan, Chad Kinis, Kedebon Colim, Sam Coloso, at marami pang iba.
Bukod sa TV5, may catch-up airings din ang nasabing sitcom sa Sari-Sari Channel tuwing Lunes, 7 PM. JP Ignacio