Home ENTERTAINMENT Sam, diabetic!

Sam, diabetic!

Manila, Philippines – May dalawang taon nang natuklasan ni Sam Milby na diabetic pala siya.

In his Instagram account, lubhang ipinagtataka ng 40 anyos na aktor why he acquired it.

Feeling naman daw niya kasi’y he lives a healthy life.

Hindi rin daw siya mahilig sa junk food, nor is he a sweet tooth or palakain ng mga matatamis.

What makes him even wonder all the more ay ang katotohanang none in his family has diabetes: neither his parents nor grandparents.

Two years ago daw nang malaman ni Sam na meron siyang diabetes 2.

Had he gone daw for checkup earlier ay posible sanang naagapan ‘yon.

Kaya ang payo ni Sam, huwag balewalain ang mga sintomas nito.

In his particular case daw kasi, lagi siyang nauuhaw at nailihi.

What his close friends are anxious about ay ang sugar level ng aktor na pumalo na sa kritikal na 525.

Late mang natuklasan ni Sam ay maia-address na niya ang kanyang kalagayan.

Funny thing is, kung gaano ka-open si Sam to talk about diabetes ay siya namang tahimik niya tungkol sa status ng relasyon nila ni Catriona Gray. Ronnie Carrasco III