Home ENTERTAINMENT Sam, magpoprodyus ng pelikula; SB19, hinihiling na isama!

Sam, magpoprodyus ng pelikula; SB19, hinihiling na isama!

211
0

Manila, Philippines — Ibang business venture naman ang pinaplanong tahakin ni Sam Versoza: ang pagpoprodyus ng pelikula.

Ayon sa kanya, target niyang mag-produce ng pelikula na may mga Hollywood stars sa cast, at gagawin pa mismo ang shooting dito sa bansa.

Hindi pa tinukoy ni Sam kung sino ang mga Hollywood stars na mapapasama, pero sinabi niyang proud siyang “Sagad!” sa project.

Sa comment section, may isang fan na nagmungkahi na dapat Pinoy ang gumawa ng OST o original soundtrack ng pelikula. May iba naman na nag-suggest na isama sa cast ang sikat na SB19, dahil sa hatak nila sa crowd kahit hindi sila tradisyonal na artista.

May mga netizens din na nagmungkahi na isama si Rhian Ramos para may “Pinoy representative” sa Hollywood cast.

Ano kaya ang tingin mo sa ideyang ito?
Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here