Home METRO San Jose del Monte LGU humihirit ng MRT-7 route realignment

San Jose del Monte LGU humihirit ng MRT-7 route realignment

MANILA, Philippines – Humihirit ang lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte, Bulacan ng realignment sa ruta ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) matapos ang konsultasyon sa mga stakeholder.

Sa pahayag nitong Miyerkules, Mayo 22, sinabi ni SJDM Mayor Arthur Robes na ang konsiderasyon para sa pagbabago ng ruta ng MRT-7 mula sa initial proposed path sa lungsod “resulted from effective and inclusive consultations with all relevant stakeholders.”

Ani Robes, kabilang sa mga pangamba mula sa mga residente ng lungsod ay ang construction-related issues katulad ng posibleng traffic congrestions, pagbaba sa kalidad ng pamumuhay at pagkaantala sa paghahatid ng essential services.

“Our city government consolidated various sentiments from our constituents and we immediately shared it in a meeting with Transportation Secretary Jaime Bautista for their consideration,” sinabi pa ni Robes.

Sa panayam, sinabi ni Bautista na maaaring maharap sa delay ang konstruksyon ng MRT-7 sa bahagi ng San Jose del Monte dahil maraming stakeholder, partikular na ang mga building owner na maaapektuhan ng alignment, ay humihiling na ilipat ang daraanan ng riles.

“They’re asking us if we can divert the station to another location,” ani Bautista.

Sinabi pa ni Robes na binabagtas ng kasalukuyang proposed railway route ang Quirino Highway na isang major thoroughfare na ginagamit ng napakaraming motorista papasok at palabas ng Metro Manila.

“We have also forwarded options where this essential project can push through while also ensuring that the general welfare of the people of San Jose Del Monte is met,” ayon pa sa alkalde.

Samantala, sinabi naman ng DOTR na nagbigay ng tatlong option ang SJDM LGU kaugnay sa posibleng relokasyon ng MRT-7 station sa lungsod.

“We’ll study it…,” ani Bautista.

Sa kabila nito, ang SJDM LGU ay hindi bahagi ng negosasyon kaugnay sa right of way issues sa proyekto.

“We are looking forward to working with the Department of Transportation and San Miguel Corporation (SMC) to fast-track the successful completion of this vital infrastructure project,” ani Robes.

Ang kabuuang MRT-7 projects ay may habang 22 kilometro at binubuo ng 14 na istasyon, ito ay ang Quezon North Avenue Joint Station, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose del Monte.

“We’re looking at operating the Quezon City leg [of MRT-7] by the last quarter of 2025,” ani Bautista.

“Those are the stations from North Avenue to Lagro.”

Ang unang 12 istasyon ay magiging operational sa Disyembre 2025. RNT/JGC